shenmue7754
Image hosting by Photobucket





"There are only two persons that I trust, one is me and the other is not you." - ConAir



Ad
Majorem
Dei
Gloriam!



"I have a strong character, will, and purpose.

I signify reliability, solidity and practicality.
Because of my strong will, I can be led but never driven.


I am materialistic, the love of possessions, food, drink, wealth, beauty, and the accompanying need for security and stability (in the material and emotional spheres of my life).


I suffer from bouts of anxiety and uneasiness whenever confronted with change.

I must be completely sure of a relationship or situation before I can embrace it.
But once convinced, I can develop a lifelong loyalty or commitment. Because of this, I can be intensely jealous.
I am slow to anger, but when angered can become violently out of control.

Indeed, tales of my temper are said to be commonplace for my friends.

Because of my great love of food and drink, I am an excellent cook.


I am a faithful and a generous friend but a determined enemy when my self-respect has been injured.
The only way to regain my friendship back is by apologising and appealing to my better nature.


I am a formidable enemy. I seldom forgive or forget a slight. I can be ruthless when challenged because I strike with venom.


Indeed, I ame prone to provoking trouble and strife so as to be able to enjoy the somewhat perverse pleasure of making up with disaffected friends or family.



I am remarkably strong."









Friday, November 23
ambot

   gikapoy na jud sa akong kinabuhi oi. kung ako pabut-on dili nako gusto momata sa buntag, unta madayunan na lang ko.

   dili nako kapoy na....


Posted at 11/23/2007 5:46:07 pm by shenmue7754
(1) have complained!!!  




Wednesday, November 21
heartbeat

went to the doctor kasi nanghihina na naman ako. nagiging parati na lang ganito. tsaka sumisikip dibdib ko at di makahinga. abnormal nga raw heartbeat ko sabi ng doctor. after ng blood test malalaman kung bakit.

   baka thyroid problem daw or baka di lang daw ako hiyang sa pagtataba ko.

   ewan bahala na bukas.


Posted at 11/21/2007 5:59:05 pm by shenmue7754
place your complaints here  




Tuesday, November 20
the date

   Bel kept on calling me asking nga raw for the date. aq ang lumabas na makulit. kasi by saturday, i texted him to confirm it. baka naman kasi ill go there and magmukhang tanga sa kakaantay sa kanya. sabi ko babalatan ko siya ng buhay sa susunod na magkita kami once na di siya sisipot sa date. sabi niya sure daw 4pm.

   sunday afternoon tumawag siya sabi nasa general santos pa rin siya and alas tres na, 3 hours ang byahe to davao so pwede ba raw na 6pm, sabi ko oo okay lang pero i have to go home early kasi yoko sumakay sa malalaking bus pauwi.

   nasa bus na ako papuntang downtown around 5:30 pm nang nagtext ang hunghang na pwede ba raw sa monday na yung date kasi nasa byahe pa siya. parang gusto kong kainin ng buhay ang katabi ko sa bus sa galit.

   reply ako sabi, " i asked you many times if you were sure and you said yes. bakit ngaun mo lang tinext nasa bus na ako papunta dun. sana sinabi mo earlier. tumawag ka pa at tumawad ng oras. wala nang sunod na date, wag ka na magpapakita kasi talagang babalatan na kita ng buhay. sobrang nabastos ako sa ginawa mo today."

   naisip ko okay lang may pupuntahan naman talaga ako sa downtown at kukunin yung orders kina laya and gel.

   pero naiiyak ako sa sobrang inis ng nagtext siya sabi 7pm na lang daw malapit na siya sa city. he asked sorry kasi hindi sila sinundo nung driver at nag bus lang sila. he was so sure before kaso nga na delayed ang trip back to davao nila.

   pumayag ako kaysa umuwing inis na inis.

   we ate dinner sa fastfood lang (wawa naman hehehehe... tseh pasalamat ka nga kumain kayo!) tapos we watched beouwolf (tama ba spelling?) dumating xa past 7 pm, natapos kami kumain past 8 pm kaso ang movie 9pm pa start so mag 11 pm na natapos ang movie. wala ng bus for short trips. yung for long trips naman 12:30 am pa aalis so wala ako choice kundi sumakay dun.

   ok na rin ang date though i am not attracted to him physically, pero he is nice and at ease ako sa kanya. he asked if we could see each other again before sa field siya ulit at matagal na naman bago makita ang kabihasnan hehehe.

   monday, after nakuha passport ko sa dfa, we met again, ate sa fastfood ulet hehehe and watched movie again, this time yung we own the night. Sabi ko i need to go home early. so past 9pm hinatid na nya ako sa terminal ng bus. ngayon he cant ttext or call me kasi wala siyang signal. he said last year na niya sa work na to. magpapaassign na siya sa city, okay.

   okay naman siya kasi mukha naman mabait pero mas okay and click kami as friends lang. ala talaga chemistry pero malay natin di ba.

   dating him, flirting with another guy pero getting attracted with another one at hindi na si karlo yipee!

   haba ng hair ko kala mo kagandahan tseh! well hopefully this time no more tears johnson baby shampoo na.


Posted at 11/20/2007 6:41:34 pm by shenmue7754
place your complaints here  




Saturday, November 17
wala!

   I felt so sick today. Bumili na naman ng napakaraming balot ang brother ko. pero hindi na ako kumain. masama talaga pakiramdam ko. This is the result of days or perhaps sleepless weeks full of anxiety and depression, plus the busy days at dfa. Nahilo ako at nasusuka with matching namumutla and pinagpapawisan ng malamig. I still don't feel well right now. I hope I could sleep this one out.

   My brother got home today. His flight from Manila was last night. He went there for a week vacation with another deacon and the bishop of our diocese to meet the bishop's sister who resides in usa.

   He bought me some beads. Somehow, he knows it would keep my mind busy from worrying or getting depress again.

   Sa kanilang dalawa na brothers ko, dito ako close. Like my mom said, she could never remember kung nag away kami nito when we were younger. Pinagsasabihan niya ako pag alam niya mali ako pero i never get offended kasi magaling ata sa pr eto hehehe. I am always amazed by his collections of g.j. joes, toy guns, gundams, at ngayon wrestlers. Sa kanya ako naengganyo mag collect ng spiderman stuffs dati.

   Well, just miss him sometimes coz he visits us only once a week minsan hindi pa.

   I have a date this sunday to a guy i swear i cant remember the first name. yung last name remember ko. anyway, hindi pa naman sure, galit pa rin ako sa kanya because 2 months ago we were texting after meeting him. then one of those days, he replied to me asking who am i. fuck u. also i have this bad feeling about this date. and another thing i have a movie date with a (girl)friend. sa totoo lang i dont really feel like seeing him. there's something fishy about this. bahala na.


Posted at 11/17/2007 12:00:24 am by shenmue7754
place your complaints here  




Friday, November 16
fin

   am i hating them? bat parang galit na ako sa kanila? kasi naman parepareho lang talaga. yoko na promise na yan. ayoko na.

Posted at 11/16/2007 12:37:51 am by shenmue7754
place your complaints here  




Thursday, November 15
ewan

   bat ganon marami naman ako nagawa today pero bad trip pa rin.

   siguro kasi mejo bad trip na umaga ko. sabi ng friend ko na sabay kami papunta ng downtown, two rides mula sa amin. tapos nung andun na ako sa bahay nila, nakaalis na siya papuntang ofis nila grrrr. another ride ulit pabalik, peste naman talaga minsan oh. tapos sasabihin sayo di na lang sasabay kasi may gagawin pa sa ofis. syet.

   at dahil nagmamadali ako kelangan ko sumakay ano mauna dumating na airconditioned bus. kaso may dumating na van tsaka ayoko ma late so nag van ako at sa loob pa lang nasusuka na ako sa ibang amoy na hindi ko gusto. parang bumaliktad sikmura ko. nakayanan ko pa naman. kaso pagdating sa dfa, ayun na... halu-halo ang amoy. hindi naman ako madaling mahilo o magsuka kahit sa loob ng eroplano or barko, pero kanina sa dfa, hindi ko alam kung saan ako una mahihilo at mahihimatay, sa paghinga ba at maamoy ang kung anuman yun or ang pagpigil sa paghinga ko para wag lang makaamoy...

   nadagdagan pa ang torture ng biglang naiihi ako. eto problema ko sa uti ko peste talaga di ko mapigilan ang ihi ko at sa awa ng kung sino mang janitor dun, ang dfa ng davao city ata ang pinakaruming restroom nakita ko within this year! Congrats!

   Sobrang nasusuka na talaga ako kaya paglabas ko nagutom ako at kumain ng marami, nakalimutan ko na ang amoy (buti di dumikit sa akin hehehehe).

   Pumunta ako ng mall para antayin ang friend ko. kumain ako ulit in less than 30 minutes. Large fries lang at coke float ng mcdo, favorite ko... dun ako sa labas sa may mga mesa at upuan... di ko alam dun pala yung mga taong nagaantay at mga walang lunch. parang nahiya ako. yun lang naman kinain ko pero nakonsensiya talaga ako. eto yung mga taong naghahanap ng job or may appointment pero walang pang lunch. nakakalungkot tingnan mukha nila i swear. inilabas ko na lang ang libro ko (john grisham) para magbasa at iignore anuman yung nakikita ko wala rin kasi ako magawa sa tingin ko.

   maya-maya may 8 bata sa kabilang mesa puro mga lalake. gusto kong umiyak habang hinahati-hati nila ang 4 na oishi yung pula. lunch nila. past 12 na yun. i felt like i want to trade my fries and coke for the bonding and happiness you could see in their faces just sharing whatever they had. sabi nung isa na walang inuman na ha kasi wala silang pambili. tawa sila ng tawa habang yun lang ang kinakain. Pinoy nga naman kahit gutom, tawa pa rin hehehe...

   nag antay ako hanggang 3pm at wala pa rin ang kaibigan ko. letse naman to oh masakit na mga paa ko... tapos nung nagkita kami ask siya na balik kami sa pink sisters. mga mongha/monghe ewan basta mga madre. kilala ang convent/monastery nila sa pagppray ng petitions at nagiging totoo. kahit sobrang pagod na ako sabi ko sige.  okay na rin nakasulat din ulit ako ng petitions ko. tatlong petitions ko.

   kakalabas lang namin sa pink sisters at tumawag si gel ask ng details para sa shipment ng mumunting orders ko hehehehe. tapos ulit ask ang friend ko na may dadaanan kami sa NSO davao. mag aalas singko na at gusto ko na umuwi. kaso dahil ganun ang work niya so kahit magsara na ang NSO pwede pa siya pumasok. mga halos 30 minutes din ang byahe. grabe parang gusto ko na matulog sa loob ng jip.

   at ngayong gabi, after 2 months na di nagparamdam, tumawag ang hunghang. sabay sabi i miss you at kita kami sa sunday. punyeta, last text ko sabi sakin sino to? letse naman, after nun di na ako nag text tapos 2 months walang paramdam tapos bigla ka tatawagan at sasabihin i miss you?! kasi kesyo daw nasa field at walang signal dun. huwaw 2 months walang signal. teka, close ba kami hindi naman ah... ewan, buset na buset ako today huhuhuhu.

   only thing im happy is sa lunes release na passport ko. dinaan ko na lang sa pag kain ng maraming marami ang inis ko.


Posted at 11/15/2007 9:57:59 pm by shenmue7754
place your complaints here  




Monday, November 12
#^$*&@#%^*&^%)#^)#%

konting tulak na lang at totopakin na ako. sige tulak pa... sige pa. para pagkatapos tapos na rin ang lahat. hay naku eto gusto ko yun matatapos na ang lahat! kelan pa ba? kaya sige tulak pa!

Posted at 11/12/2007 10:14:42 pm by shenmue7754
place your complaints here  




Thursday, November 8
burn baby burn

mainit ang ulo ko. gusto kong magmura ng magmura kahit pa sabihin nila alangya kababaeng tao nagmumura, punyeta pakialam niyo peste!

mga 4-5 lang na tao ang may alam bakit talaga mainit ang ulo ko.

gusto ko magpagupit ng maiksi na maiksing buhok.

anupaba... pakulam si karlo... pakulam din ang vp namin. oo may picture nga pala sila sa akin... makulam nga hehehe.... kulamin ko na kaya lahat ng may pikchur ako... hala! takot niyo lang! bwahahahaha! juk wala kami lahing mangkukulam at wala akong kilalang mangkukulam.

bilang na mga araw ko... oras... literally? pwede rin! pag talagang full-blown na topak ko, why not peanut? nang matapos na ang lahat anoh...

wala naman magaaway sa maiiwan kong kayamanan kasi wala naman nyahahahaha... lupa? meron sa kuko hehehehe.... nde malinis naman kuko ko.

basta gusto ko cremation praktikal less gastos tapos tapon sa basurahan ang ashes ko, wala namang silbi yun eh. pag di ako na cremate mumultuhin ko lahat ng tao sa bahay! hehehehe... tapos mamulto na rin LAAAAHHHAAAT ng kakilala ko nyehehehehe.... sino kaya uunahin ko? text lang kayo ka kung ayaw niyo madali naman akong kausap hehehe.

oist joke lang to.

 


Posted at 11/8/2007 2:58:12 pm by shenmue7754
place your complaints here  




Thursday, November 1
7 truths about me

1. i wear blacknails since i was in college so malamang more or less 8 years na.

2. i don't step on lines or cracks sa floor or street, it gives me goosebumps and i dont know why.

3. i used to wear one color of shirt/blouse for a week.

4. i can't and don't watch horror film/movies. the only one i watched is yung kay bram stoker's the dracula kasi favorite ko lahat ng main casts dun from gary oldman, winona ryder, keannu reeves, and anthony hopkins.

5. allergic sa mga: seafood (except for some fish naman), alikabok, red meat

6. obsessive compulsive pero magulo sa gamit.

7. and... tang na-na-nang! currently have a boyfriend (daw) pero still waiting for mr right and hope he comes asap nyahahahaha!

i volunteered myself to be tagged nabasa ko from Gel's blog nyehehehe... ita-tag ko sino makakabasa nito na wala pang tag na 2... hala go!


Posted at 11/1/2007 7:57:14 am by shenmue7754
(2) have complained!!!  




Wednesday, October 31
pabaya

   sa sobrang busy ko dahil sa buy and sell small business ko, bayaran ng mga utang at yung lot na mag iinvest ako, nakalimutan kong bayaran ang kuryente namin. first time in history naputulan kami ng kuryente. last week nagbayad ako half nung bill namin kasi yun lang ang kaya 1,500 pesos, actually nde half pala since may 1,785 pesos pa na balance. kasi yun lang ang pera ko last week. the next day, nagka pera ako. pero inuna ko ang buy and sell ko. inuna ko ibang bagay hindi ko alam puputulan pa rin pala kami ng kuryente kahapon. wala pa ako sa bahay ng mangyari eto. nasa davao city ako. nung tinawagan nila ako sa bahay, dali-daling bayad agad ako sa main office nila pero wala na pinutulan agad. wala na silang magawa sa bahay. ang masaklap pa nito pinabayad pa ako ng 1,370 pesos na fines aside sa 1,785 pesos na bill namin. wala na sa budget ko ang fines. at hindi nila agad maibabalik ang kuryente kasi once naputulan na, after 24 hours pa. kaya hindi ako nakapag klase kahapon.

   andami ko pa pala utang huhuhu. sana mabayaran ko LAHAT before mid-november. hay naku, anyways... malalampasan ko rin eto. i am determined to change things for the better.

   baka last ko na tong entry for this URL. Next entry ko sa bago ko nang url pero ill update my blogmates!

   Happy halloween!


Posted at 10/31/2007 10:47:23 am by shenmue7754
place your complaints here  




Previous Page Next Page





BRIGHTER THAN SUNSHINE BY AQUALUNG (A LOT LIKE LOVE OST)





b u l l - H e a d e d
c O m p a s s i o n a t e
l o v i N g
s w e E t
m o o d Y

w o R k a h o l i c
i m p a t i E n t
f u n n Y
i n s e c u r E
i m p u l S i v e





"I am one but still I am one. I cannot do everything but still I can do something. So, I will not stop to do that something that I can do."
HELEN KELLER


Please don't forget your tag message!


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed